Paalala ng Munti (KNC poem)

Hi!

I just want to save and share this poem way back when we were still in KNC. This is a really nice poem we used to recite in presentations. Author is unknown (coz it was way back) but I’ll have this updated if I know who he was.

To God be all the Glory!

image

▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒

Paalala ng Munti

Bata bata paano ka ginawa?
Tanong ng manunulat na si Luwalhati Bautista
Ang tanong ko naman ay ‘di lang sa bata
Kapatid, kapatid paano ka gumawa?

Manatiling musmos sa kasamaan
Ngunit matatag sa pakikipaglaban
Magpakalalaki sa pangangatuwiran
Gaya ng mangangaral dito’y nasumpungan

Walang katulad sa karunungan
Sa salita ng Dios walang inuurungan
Pighatiin ma’y ‘di papipigil
Magtanggol ng katuwiran na sa tao’y kaligtasan

Sari-saring relihiyon ang namamayagpag
Pawang kasinungalingan at pagliligaw lamang
Abang puso ng tao’y nilihis sa katuwiran
Mga bulag na taga-akay layon ay pakinabang

Pilit nilulugmok sa kapighatian
Ibig pasamain ang Ang Dating Daan
Mga palalo’t lilo kasinungalingan ay sukdulan
Ginigipi’t sinisikil ating kalayaan

Kaya mga kapatid ako’y namamanhikan
Huwag nating pabayaan si Bro Eli’y mag-isa lamang
Tungkulin nati’y ating gampanan
Makiramay tayong mga tinuturuan

Habang may panahon ating ipagsigawan
Katuwirang dalisay sa buong sanlibutan
Ang aming bahagi sa aming kaliitan
Sa inyo’y paalala, huwag kalilimutan

Ang Pananampalataya Ko

Inspired sa lahat ng natutunan ko sa totoong Iglesia ng Dios, awa ng Dios at nagtry ako magcompose ng isang rap-poem na tungkol sa magaling na aral na aking sinasampalatayanan ngayon. Naaamaze lang talaga ako at salamat sa Dios! Ibang-iba ang turo na natutunan ko sa turo na alam ng marami. Biblical talaga at tunay na tunay!

Rap-poem siya kasi para siyang poem. Pero nung tinatry ko siya buuin, rap ang tono sa isip ko. So, para siyang may beat ng rap.

Salamat sa Dios and to God be the Glory!

image

ANG PANANAMPALATAYA KO

May iba’t ibang paniniwala sa mundo
Tanto nating sila’y hindi magkakapareho
Ngunit di mo ba naisip karamiha’y manloloko?
Kung iisipin mong isa lang talaga ang totoo

Hindi naman pupwedeng silang lahat ay tunay
Magkakakontra’t sa iba’t iba bumabatay
Laking salamat ko sa Dios at natutunan ko
Nagiisang aral na walang makakatalo

Nabuksan aking mata’t nalaman ko ang tama
Marami pala tayong maling paniniwala
Bakit di nalang pupuwedeng relihiyo’y irespeto?
Eh paano? Sabi ng Biblia may mga manloloko

Sa panahon natin ngayon tila tao’y walang pakelam
Kung anu-ano mali ang sa ati’y pinaalam
Inilihis ni satan ating prioridad
Hilig natin ay saan saan nangapadpad

Kung iyo ngang sinasabing Dios ang una sayo
Maalarma ka’t magsuri kung nasa totoo
Baka ang pinagmulatan ay wala naman sa Biblia
Upang maging malaya, wag na tayong padaya

Ang paskong pinagdiriwang magmula pa noon
Mali-mali pala pati ang bagong taon
Purgatorio at Rosario’y wala naman sa Biblia
Pagbibinyag ng bata at pagkain ng ostcha

Hindi pala sa pari dapat magkumpisal
Mali pala’ng paulit-ulit na pagdadasal
Hindi pala ilan ilan lang ang santo’t banal
Sa tunay na Iglesia marami talagang bawal

Hindi pala totoong pagkatapos mamatay
Nandun ka na sa langit habang ang iba’y buhay
Narinig mo na ba ang katotohanang ito?
Na ang hahatol pala sa mga anghel ay mga tao

Mali pala ang pagtawag sa sinoman ng “papa”
“Most reverend”,”father”at katulad nila
Walang dapat bayad ang pagpapakasal
Mula binyag hanggang lamay ay ginawang kalakal

Hindi lahat ng pagkain ay pupwedeng kainin
Ngalan ng Dios ay hindi dapat saan saan gamitin
Pagsamba kay Maria’y bawal naman pala
O pagdidiwang ng sari-saring mga fiyesta

Hindi naman tatlong hari ang dumalaw kay Kristo
Pati ba naman pangalan nila’y pinagimbento
Buhok ng Panginoo’y hindi naman mahaba
Ang sign of the cross, imbento lang pala

Wag dapat maniwala sa nagsisipanghula
Na pagdating ni Kristo mundo’y mawawala
Padasal pala ay hindi biblical
Speaking in tongues ay hindi kung anong daldal

Hindi pala sapat ang minsan lang magsimba
Mahabang pagkakatipo’y normal naman pala
Pangalan ng Dios ay hindi naman Jehovah
Walang matibay na batayan ang atheista

Biblical pala ang pakikipgdebate
Ineencourage pa nga ang maging mapagsuri
Sa dami ng mistranslation at maling interpretasyon
Panahon nang sa mali ay huwag na mabaon

Kung ika’y may malasakit sayong kaluluwa
Simulan nang ang mali ay iyong gawing tama
Subukang makinig sa aral na magaling
Sa Iglesia ng Dios na sa Dios mismo nanggaling

The Greatest Creator

Hi! I am the type of person who, from time to time, can’t help but just think about how beautiful the world is. How well-planned, well-maintained, and wonderful everything works! That’s why, here’s a poem I created to express my feelings and thoughts regarding that. To God be the Glory!

12735535_10153379122096592_1589177005_n

The Greatest Creator

One can appreciate well-made creations
A song, a science project, or an internet sensation
A house well-built, a poem, or a really good movie
But ever wondered who the greatest creator could be?12735890_10153379112856592_249935079_n

Marvel at the stars, see how splendid they shine
Or the planets and constellations perfectly aligned
How great is the mechanism of the outer space
Where planets have their own line and has its own place

Observe how the planets are round in shape12695887_10153379113571592_972228771_n
And how the perfect distance of the Earth from its surroundings makes it safe
Think about how day and night are in line
With humans natural body clock and time

Look at the Earth and everything it contains
From animals to plants, not all have been named994875_663519917008664_2099869171_n
Ask a scientist and he would say
That less than fifteen percent of all species have been named as of today

Appreciate how regular precipitation is
Or how when the ocean reaches the shore it will cease
Look at how different one creature is from another
Ecology will tell how everything supports each other12695826_10153379114881592_957595249_n

Humans breathe oxygen and expels carbon dioxide
Which is exactly what plants need, and oxygen again is what they provide
You just have to look at yourself and you will see
How marvelous a human’s blueprint can be

All of our parts are perfectly in place12736077_10153379116486592_380680287_n
It would be a disaster if it was put in another way
Fingers in different sizes align
When we’re picking something up it’s all perfectly fine

Appreciate how we humans heat up in a fever
Or categorizing what is needed and what is waste is up to our liver
Look at the protection made for a babe
When inside the mom’s tummy he’s in a perfect cave

Look at how humans have different faces 12736076_10153379117096592_1837756898_n
Unique fingerprints, voices, talents, and races
Vision, Smell, Hearing, Taste, Feelings, and Touch
Makes you say that human-made robots cannot  match

So what Big Bang Theory is this being taught in school
It’s nonsense and an idea made by a fool
“A large quantity of nothing decided to pack tightly together”
When did nothing have quantity and agreed to gather?

When accidents happen its usually nasty
It doesn’t make perfect things filled with beauty
Our world and all its creatures are not made out of an accident
It is from the wisest Creator’s will and intent