Ang Pananampalataya Ko

Inspired sa lahat ng natutunan ko sa totoong Iglesia ng Dios, awa ng Dios at nagtry ako magcompose ng isang rap-poem na tungkol sa magaling na aral na aking sinasampalatayanan ngayon. Naaamaze lang talaga ako at salamat sa Dios! Ibang-iba ang turo na natutunan ko sa turo na alam ng marami. Biblical talaga at tunay na tunay!

Rap-poem siya kasi para siyang poem. Pero nung tinatry ko siya buuin, rap ang tono sa isip ko. So, para siyang may beat ng rap.

Salamat sa Dios and to God be the Glory!

image

ANG PANANAMPALATAYA KO

May iba’t ibang paniniwala sa mundo
Tanto nating sila’y hindi magkakapareho
Ngunit di mo ba naisip karamiha’y manloloko?
Kung iisipin mong isa lang talaga ang totoo

Hindi naman pupwedeng silang lahat ay tunay
Magkakakontra’t sa iba’t iba bumabatay
Laking salamat ko sa Dios at natutunan ko
Nagiisang aral na walang makakatalo

Nabuksan aking mata’t nalaman ko ang tama
Marami pala tayong maling paniniwala
Bakit di nalang pupuwedeng relihiyo’y irespeto?
Eh paano? Sabi ng Biblia may mga manloloko

Sa panahon natin ngayon tila tao’y walang pakelam
Kung anu-ano mali ang sa ati’y pinaalam
Inilihis ni satan ating prioridad
Hilig natin ay saan saan nangapadpad

Kung iyo ngang sinasabing Dios ang una sayo
Maalarma ka’t magsuri kung nasa totoo
Baka ang pinagmulatan ay wala naman sa Biblia
Upang maging malaya, wag na tayong padaya

Ang paskong pinagdiriwang magmula pa noon
Mali-mali pala pati ang bagong taon
Purgatorio at Rosario’y wala naman sa Biblia
Pagbibinyag ng bata at pagkain ng ostcha

Hindi pala sa pari dapat magkumpisal
Mali pala’ng paulit-ulit na pagdadasal
Hindi pala ilan ilan lang ang santo’t banal
Sa tunay na Iglesia marami talagang bawal

Hindi pala totoong pagkatapos mamatay
Nandun ka na sa langit habang ang iba’y buhay
Narinig mo na ba ang katotohanang ito?
Na ang hahatol pala sa mga anghel ay mga tao

Mali pala ang pagtawag sa sinoman ng “papa”
“Most reverend”,”father”at katulad nila
Walang dapat bayad ang pagpapakasal
Mula binyag hanggang lamay ay ginawang kalakal

Hindi lahat ng pagkain ay pupwedeng kainin
Ngalan ng Dios ay hindi dapat saan saan gamitin
Pagsamba kay Maria’y bawal naman pala
O pagdidiwang ng sari-saring mga fiyesta

Hindi naman tatlong hari ang dumalaw kay Kristo
Pati ba naman pangalan nila’y pinagimbento
Buhok ng Panginoo’y hindi naman mahaba
Ang sign of the cross, imbento lang pala

Wag dapat maniwala sa nagsisipanghula
Na pagdating ni Kristo mundo’y mawawala
Padasal pala ay hindi biblical
Speaking in tongues ay hindi kung anong daldal

Hindi pala sapat ang minsan lang magsimba
Mahabang pagkakatipo’y normal naman pala
Pangalan ng Dios ay hindi naman Jehovah
Walang matibay na batayan ang atheista

Biblical pala ang pakikipgdebate
Ineencourage pa nga ang maging mapagsuri
Sa dami ng mistranslation at maling interpretasyon
Panahon nang sa mali ay huwag na mabaon

Kung ika’y may malasakit sayong kaluluwa
Simulan nang ang mali ay iyong gawing tama
Subukang makinig sa aral na magaling
Sa Iglesia ng Dios na sa Dios mismo nanggaling

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s