Panahian sa Enbizaka (Tailor Shop at Enbizaka Tagalog Version)

Hi Guys!

So I was entertained by this creepy song from Vocaloid called Tailor Shop at Enbizaka, sang by Megurine Luka. And because I was entertained, I translated that to tagalog and covered it too.

So here’s my song: Panahian sa Enbizaka

 

LYRICS:

Sa gilid ng isang barrio ng Enbizaka
Ay isang babae at ang panahian niya
Siya ay mabait at magaling siyang gumawa
Usap-usapan at kilala siya ng lahat

Ngunit ngayon mayrong bumabagabag sa kaniya
Ang di pagtatapat ng taong iniirog niya
Kahit siya ay mayroong taong katulad ko
Di siya umuuwi, siya ay hindi totoo

Ngunit kailangan na magseryoso sa ginagawa
Hawak maigi ang gunting sa kamay
Kahit pa luma na ang gunting ng aking inay
Kapag ‘to’y hinahasa, lalong tatalas

Sa araw na ito ang barrio ay tahimik lang
Payapa’t napakagandang pagmasdan
Sa sentro nito siya ay aking natanaw
Ngunit sino ang babae na kasama niya?

Ang pulang kimono ay bagay sa kaniya
Parang masaya ang irog ko sa piling siya
Di ko kayang makitang magkasama sila1
Kaya’t ako’y tumalikod at umalis nalang

Ngunit kailangan na magseryoso sa ginagawa
Hawak maigi ang gunting sa kamay
May luha sa pisnging tumutulo at nagdaramdam
Maiging hinahabi ang kimonong gawa

Ngayon kakaiba’t paligid ay may pangamba
Parang mayroong pagpatay ng taong naganap
Sa tulay naman ngayon siya ay aking natanaw
Ngunit sino ang babae na kasama niya?

Nais kong pasayahin ang malungkot niyang mukha
Ngunit ang babae ang umaaliw sa kaniya
Ang berdeng sintas sa kaniya’y napakaganda
Ah yan pala ang tipo ng aking sinta

Ngunit kailangan na magseryoso sa ginagawa
Hawak maigi ang gunting sa kamay
Mata’y namumula sa lahat ng tumutulong luha
Hinahabing mainam ang sintas sa harap

Magdamag ngayon ang barrio’y may kaguluhan
Isang krimen nanaman ang usap-usapan
Sa tindahan ng ipit siya ay aking natanaw
Ngunit sino ang babae na kasama niya?

Ang babae’y binlhan niya ng ipit na dilaw
Kahit na masyadong bata pa para sa kaniya
Ano naman ngayon ang iniisip niya?
Napakarumi, siya’y napakawalang hiya

Ngunit kailangan na magseryoso sa ginagawa
Hawak maigi ang gunting sa kamay
Naku! Ang gunting ko’y ganito ba talaga ang kulay?
Tulad ng lagi ako ay nagtiyatiyaga

Sa wakas natapos na
Kapag hindi ka pa bumalik
Sa aking piling kung saan ka dapat
Ako nalang ang sayo’y pupunta

Pula na kimono, na may berdeng sintas
Dilaw na ipit, sa buhok ay sinuot
Sa gantong paraan, naging tipo mo ako
Ano sa tingin mo? Maganda na ba ako?

Ngayon ang buong barrio ay ‘di mapakali
Ang biktima naman ay isang lalaki
Isang buong pamilya ng apat ang pinagpaslang
Sa kakaunting mga araw na nagdaan

Liban pa dun nakakasindak ang ugali niya
Magandang umaga, kamusta ka ang sabi niya
Nagsasalita siya ng tulad sa di niya kilala
Parang ako ay hindi niya kilala

Ngunit kailangan na magseryoso sa ginagawa
Hawak ng bahagya ang gunting sa kamay
Ang gunting kong ito’y pula na ang naging kulay
Kapag ‘to’y hinahasa, lalong tatalas

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s